Dalawa pang bagong kaso ng mpox ang naitala ng Department of Health.
Dahil dito, umaabot na sa 14 ang mpox cases sa bansa simula noong July 2022.
Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kaso ay mula sa Metro Manila at Calabarzon at kapwa kinapitan ng mild case na MPXV clade II.
Ang mpox case 13 ay isang 26-year-old na babae mula sa National Capital Region na nagsimula ang kanyang sintomas noong August 20.
Sinabi ng DOH na napansin ng babae na mayroon siyang pantal sa kanyang mukha at likod, at may kasamang lagnat.
Nakaranas din siya ng sore throat at pamamaga ng limpa sa kanyang leeg.
Pinayuhan siya ng mga duktor na sumailalim sa isolation.
Samantala, ang mpox 14 ay isang 12-year old na lalaki mula sa Calabarzon, na nagsimula ang kanyang mga sintomas noong August 10.
Nagkaroon ng rashes sa kanyang mukha, mga paa, trunk, at singit, at maging sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Nagkaroon din ng ubo ang nasabing pasyente na nagpakonsulta sa rural health unit.