TUGUEGARAO CITY-Malaki ang binaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng Violence Against Women and Their Children (VAWC) kung ikukumpara nitong nakalipas na taon sa Region 2.
Ito ang inihayag ni Cheeni Mabbayad ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD)-Region 2 kasabay ng 18 day campaign to end violence against women and their children na nagsimula kahapon, november 25 na magtatagal hanggang december 12, 2019.
Ayon kay Mabbayad, ngayong taon ay mayroon 384 na clients ang kanilang binigyan ng assistance tulad ng financial at psycho social services na biktima ng Vawc habang nitong 2018 ay 541.
Aniya, 88 na katao ang kanilang tinulungan dahil sa sexual physical and emotional abused, 61 sa trafficking, 223 sa mga distress Overseas Filipino workers (OFWs)at 22 sa mga solo parent.
Dahil dito, nagpasalamat si Mababayad sa mga local government unit (LGU) sa pagbibigay ng agarang aksyon sa mga naitatalang kaso ng Vaws sa mga nasasakupang lugar.
Samantala, sinabi ni Mabbayad na ilang aktibidad tulad ng pagsasagawa ng symposium at forum ang mga nakalinyang gagawin ng kanilang ahensiya para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mamamayan ukol sa pang-aabuso.