TUGUEGARAO CITY-Nagsampa ng kasong Grave Oral Defamation si Cagayan state university (CSU) President Urduja Tejada laban sa isang isang Radio blocktimer sa Cagayan.

Sa naging panayam kay Dr. Tejada, paninirang puri ang naging pag-atake sa kanya ng radio blocktimer na si Ogie Gerona sa kanyang programa sa isang radio station sa probinsiya.

Ayon kay Dr. Tejada,inakusahan siya ni Gerona na mayroong mga kinakaharap na kaso na hindi na binanggit ng opisyal.

Aniya, hindi dapat pinatatagal ang pagsasampa ng kaso laban kay Gerona upang hindi pamarisan ng ibang mamamayag.

Dahil dito, hinamon ng CSU president ang radio blocktimer na maglabas ng patunayan ukol sa mga binitawang salita at pag-usapan sa korte.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni President Urduja Tejada

Samantala, bigo namang magbigay ng pahayag si Gerona ukol sa naturang kaso hangga’t hindi natatanggap ang subpoena.