Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na i-dismiss ang reklamong libel na inihain ni presidential legal counsel Juan Ponce Enrile laban sa kaniya.

Sa resolution na may petsang Abril 21, sinabi ng appellate court na nabigo ang mga petitioner na sina Mamba at Rogelio Sending Jr. na maglatag ng bagong mga argumento para baliktarin ang desisyon ng korte noong Disyembre 6, 2024.

Dito, pinagtibay ng korte ang resolution ng Makati Regional Trial Court Branch 137 na nagbasura sa apela ni Mamba para ibasura ang kaso.

Ayon sa CA, ang mga argumentong idinulog ay pawang rehash lamang o inulit ang mga isyung naresolba na sa kanilang resolution.

Kaugnay nito, base sa patakaran, dapat na ibasura ang isang motion for reconsideration na walang anumang bago o novel issues na idinulog.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan, nag-ugat ang reklamo matapos akusahan sina Mamba at Sending ng pagi-ere ng mga malisyosong akusasyon laban kay Enrile sa isang online radio program noong 2020.