Tuguegarao City- Patuloy na namamahagi ng tulong ang kasundaluhan sa mga miyembro ng makakaliwang grupo na nais magbalik loob sa pamahalaan.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang mandato sa ilalim ng mga programang isinusulong ng pamahalaan upang tugunan ang problema sa insurhensiya.

Sa panayam kay MAJ Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID, Philippine Army, aabot na sa 61 na miyembro ng mga rebeldeng sumuko ang natulungan ng kasundaluhan.

Sa datos ay 31 sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Isabela habang 30 naman ang mula sa Cagayan kung saan kabilang na sa bilang ang mga rebel returnees at mga militia ng bayan.

Ayon kay MAJ Tayaban, ang ilan sa mga returnees ay nakatanggap din ng tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito ay boluntaryong isinuko aniya ng mga sumukong rebelde ang kanilang hawak na iba’t ibang kalibre ng matatas na baril.

Sa ngayon ay patuloy naman na hinihikayat ng Philippine Army ang mga miyembro ng makakaliwang grupo na nais mag balik loob sa pamahalaan.