TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) Region 2 na malinis ang katubigan sa Rehiyon dos.
Sinabi ni Atty. Arsenio Bañares, chief ng Fisheries Management ,Regulatory and Enforcement Division ng BFAR Region 2 na sa batay sa kanilang ginawang pag-aaral kasama ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa katubigan ng Gonzaga at Sta Ana sa Cagayan,nakita nilang hindi pa polluted ang mga katubigan sa mga nasabing lugar.
Ayon kay Bañares,ito ay dahil sa wala namang malalaking pabrika sa rehiyon na maaaring magdulot ng polusyon sa ating katubigan.
Samantala, sinabi ni Bañares na nagsasagawa din sila ng monitoring sa mga ipinapatayong mga resorts upang matiyak na hindi maaapekt uhan ang mga mangingisda.