cagayan valley medical center

TUGUEGARAO CITY-Isasailalim pa sa pangatlong swab test bukas, Hunyo 4, 2020 ang isang health worker na kauna-unahang confirmed case ng Covid-19 sa Apayao na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) bago payagang uuwi sa kanilang tahanan matapos magnegatibo sa pangalawang swab test,ngayong araw.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical Center Chief ng CVMC, bagamat asymptomatic, kailangan pa ring siguraduhin ng pagamutan na negatibo na talaga sa virus ang naturang pasyente.

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring minomonitor ang pasyente kasama ang dalawang suspected case na mula dito sa lungsod ng Tuguegarao at Isabela habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Samantala, dumating na umano ang dalawang PCR o Polymerase Chain machine sa CVMC habang sumasailalim na rin sa pagsasanay ang limang medical technologist(MED-tech)sa Baguio General Hospital na silang mangangasiwa sa naturang machine.

Ang dalawang machine ay maaari umanong makapag-test ng nasa 50 hanggang 100 specimen sa loob ng walong oras.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, patapos na rin ang pagsasaayos ng gusali at lisensiya para tuluyan ng makapag-operate bilang covid-19 testing center.

Sinabi ni Baggao na kung hindi magkakaroon ng aberya ay sisimulan na nilang tumanggap ng specimen sa Hunyo 15, 2020.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao