TUGUEGARAO CITY- Inaasahan ni Dr. Glenn Mathew Baggao na magdadagsa ang mga specimen para sa covid-19 testing sa kauna-unahang covid-19 testing center sa Region 02 na matatagpuan sa Cagayan Valley Medical Center, Tuguegarao City.

Sinabi ni Baggao na bukod sa mga specimen mula sa Isabela at Cagayan, tatanggap din sila ng specimen mula sa Kalinga at Apayao.

Sa katunayan, sinabi ni Baggao na ngayong araw ay nakatanggap na sila ng 70 na specimen at asahan ang resulta bukas at ang pinakamatagal ay dalawang araw.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na inisyu na ng DoH central office ang license to operate ngayong araw ng nasabing testing center na magpapaso sa buwan ng Disyembre.

Ayon sa kanya, maaari naman itong irenew bago pa man ang expiration ng permit ng pasilidad.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Baggao na maglalagay din sila ng “walk thru” para sa mga nagnanais na magpa-testing.

Gayonman, sinabi niya na prioridad pa rin ang mga health workers at iba pa na humaharap sa problema sa covid-19.

Tiniyak din niya ang sapat na bed capacity para sa mga ma-admit na covid-19 patients.