Isinagawa ang makasaysayan na pagpapakita ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Region 2 ng marker bilang hudyat ng konstruksion ng kanilang regional officer, ang kauna-unahang gusali na ipapatayo ng PhilHealth sa buong bansa.

Ang nasabing gusali na matatagpuan sa regional government center sa Carig Sur, Tuguegarao City ay may kabuuang contract fund na P269.9m na mula sa General Appropriations Act of 2023.

Kaugnay nito, sinabi ni retired BGen, Llewellyn Binasoy, regional vice president ng PhilHealth Region 2, layunin ng bagong opisina na mapasimple ang kanilang operasyon, mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga miyembro, at magbigay ng dagdag at mas malakas na suporta sa local healthcare providers at matiyak na ang health insurance benefits ay mas epektibong maihahatid.

idinagdag pa niya na ang makasaysayan na kaganapan na ito ay pagpapatunay sa pagsisikap ng PhilHealth na lalo pang mapaganda ang kanilang serbisyo at maghatid ng komprehensibong health insurance sa mga mamamayan, at sinisiguro na ang de kalidad na healthcare ay abot-kamay ng bawat isa sa pinakagulong bahagi ng Pilipinas.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Dr. Glenn Mathew Baggao, assistant secretary ng Department of Health ang patuloy na suporta sa lahat ng programa ng PhilHealth para sa paghahatid ng maayos na serbisyo.

-- ADVERTISEMENT --