Tuguegarao City- Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad sa bayan ng Buguey, Cagayan matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19.

Ito ay sa katauhan ni CV838, lalaki mula sa Brgy. Maddalero, galing ng Quezon City at dumating sa Buguey noong Agosto 27.

Sinabi ni Buguey Mayor Lloyd Antiporda na OFW din ang pasyente at tatlong buwan na ang nakalipas mula ng dumating sa bansa.

Kaugnay nito ay balak sana niyang bumalik ng abroad ngunit nakaranas siya ng pangangati ng lalamunan pagkauwi mula manila.

Nang isailalim sa swab test ay nakumpirmang nagpositibo siya sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid pa na bago makaranas ng sintomas ang pasyente ay nagdaos pa sila ng birthday celebration sa kanilang bahay.

Tiniyak ni Antiporda ang maigting na pagpapatupad ng mga panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng virus at bahagi nito ang monitoring sa pamilya at kaanak ng pasyente na una nitong nakasalamuha.