TUGUEGARAO CITY-Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng Department of Health (DOH)region 2 ang kauna-unahang kaso ang delta variant sa rehiyon dos.
Galing umano sa Solano, Nueva Vizcaya ang unang kaso ng delta variant ng covid-19 sa rehiyon.
Sa nakuhang impormasyon kay provincial health officer kay Dr. Edwin Galapon, clinically recovered na ang lalaking pasyente mula pa noong Hulyo 20,2021.
Nanawagan naman ang mga eksperto sa pamahalaan na maglaan ng pondo para magkaroon ng genome sequencing satellite sa ibang mga rehiyon para mas mapabilis ang paglabas ng resulta ng genomical sequencing ng covid-19.
Sa ngayon kasi ay umaabot sa isang buwan bago malaman ang resulta ng mga specimen na ipinapadala sa kalakhang Maynila para sa genome sequencing.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na manatiling sumunod sa mga pinapairal na health protocols bilang pag-iingat sa virus.