TUGUEGARAO CITY- Binuksan na kahapon ang kauna-unahang public library sa Kalinga na matatagpuan sa Liwan West, Rizal.

Kaugnay nito, sinabi ni Myla Depalog, tourism officer ng Rizal na bukas para sa lahat ang nasabing library.

Ayon sa kanya, ang pondo ng library ay mula sa Gerda Kenkel Foundation mula sa Germany.

Sinabi niya na ito ay sa pamamagitan ng 100, 000 Euro na grant na ibinigay ng foundation kay Mylene lising, isa sa mga archeologists na nagsagawa ng excavation sa mga fossils ng rhinoceros sa Rizal.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Depalog, library ay naglalaman ng brand new books na nagkakahalaga ng P2.1m at mga computers.

Sinabi ng opisyal na ang counterpart naman ng LGU Rizal sa nasabing library ay ang maintainance.

Sinabi naman ni Kalinga Governor Ferdinand Tubban na dapat na alagaan ang nasabing library para sa susunod pang mga henerasyon.