Nakapagtala na ang lalawigan ng Batanes ng unang nasawing pasyente dahil sa COVID-19.

Ang pasyente ay isang 70-anyos mula sa bayan ng Basco na sinasabing acute respiratory failure at pneumonia dahil sa COVID-19 ang ikinamatay nito.

Samantala, umakyat pa sa kabuuang 349 ang aktibong kaso sa lalawigan matapos maidagdag ang 67 panibagong naitalang nagpositibo sa virus.

Pinakamaraming naitala sa aktibong kaso ay mula sa Basco na may 254; sinundan ng Uyugan sa 25; Mahatao sa 24; Ivana sa 19; Itbayat sa 14 at sa Sabtang na may 13 active cases na pawang nasa mild ang kondisyon habang isa ang critical.

Sa kabuuan ay nasa 366 na ang kumpirmadong kaso ng Batanes kung saan 17 rito ang gumaling na.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nagsimulang dumami ang kaso ng COVID-19 sa Batanes matapos ang pananalasa ng Bagyong Kiko.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan na magtatagal hanggang October 4, 2021.