
Ipinakilala ng mga siyentipiko mula sa Japan ang “g.eN,” na tinaguriang kauna-unahang oral care robot sa mundo na awtomatikong nagsisipilyo ng ngipin nang hindi kinakailangang igalaw ng gumagamit ang kamay.
Binuo gamit ang teknolohiyang mula sa Waseda University Robotics Laboratory, ang g.eN ay may mouthpiece na may maliliit na brush heads na gumagalaw pataas, pababa, pakaliwa at pakanan upang linisin ang magkabilang bahagi ng ngipin sa loob ng halos isang minuto.
Ayon sa isang pag-aaral na iniharap noong 2022 sa Japan Society of Healthcare Dentistry, nakamit ng g.eN ang 22.4% plaque retention rate, na pasok sa pamantayan ng “good oral hygiene,” at kasinghusay o mas mahusay pa kaysa sa karaniwang pagsisipilyo.
Ang device ay may iba’t ibang mode tulad ng Easy, Careful, Special Care at Children, may USB Type-C charging, at kasalukuyang nasa crowdfunding stage. Bagama’t una itong idinisenyo para sa mga may pisikal na limitasyon, mabilis din itong nakatawag ng pansin ng mas malawak na publiko.










