TUGUEGARAO CITY- Naniniwala si PBGEN. Angelito Casimiro, director ng PNP Region 2 sa kakayahan ng mga babae na pamahalaan ang kauna-unahang Mobile Force Company sa buong bansa na binubuo ng pawang mga kababaihan sa Santiago City, Isabela.

Sinabi ni Casimiro na ito ay kauna-unahan din sa kasaysayan sa PNP.

Ang Police Mobile Force Company ay sa pamumuno ni PMAJ. Jane Abegail Bautista.

PBGEN. Angelito Casimiro

Matatandaan na naitala din sa kasaysayan ng PNP Region 2 ang pagbuo ng 2nd Mobile Force ng Quirino at ang pagtalaga ng kauna-unahang babaeng hepe ng PNP Tuguegarao.