photo credit to PNP Region 2

Tuguegarao City- Inilunsad ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang kanilang “Project Arrest” na tutukoy sa pagkakakilanlan ng mga wanted sa batas kahit nakasuot ng face mask at face shield.

Ito ang kaunaunahang proyekto ng PRO2 sa hanay ng pulisya sa buong bansa sa ilalim ng kanilang Artificial Intelligence Facial Recognition through responsive electronic system trucking of wanted persons.

Sinabi ni PLCOL Rimelvin Dungca, Asst. Chief ng Regional Intelligence and Detective Management Division na matutukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagscan sa smart phone kung saan naka install ang application identity ng lahat ng may kinakaharap na kaso kasama na ang mga miyembro ng Communist Terrorist Group.

Aniya ang hakbang na ito upang mapataas ang crime solution efficiency ng PNP sa bansa lalo na sa gitna ng pandemya.

Batay sa ginawang pagsusuri, kahit na nakasuot pa ng complete PPE ay lumalabas na nasa mahigit 90% ang percentage ang accuracy nito sa itsura na nakalagay sa system.

-- ADVERTISEMENT --

Kung sakali na sumailalim sa plastic surgery ang isang wanted sa batas ay kakayanin pa rin umano itong matukoy sa pamamagitan ng project arrest.

Kaugnay nito ay nasa 70% ang ibinibigay na kasiguruhan na may pagkakatugma sa system ng application ang identity ng wanted sa batas.

Sakali man na tutugma ito sa taong mai-scan ay hindi siya agad huhuliin sa halip ay sasailalim pa rin sa validation.

Tiniyak pa ng PNP na walang malalabag na karapatang pantao sa pagpapatupad ng project arrest