TUGUEGARAO CITY-Kawalan ng insentibo ang nakikitang dahilan kung bakit iilan lamang ang nagnanais na maging SK kagawad.

Ito ang reaksyon ni Tuguegarao City SK Federation President Karen Taguinod sa kawalan ng Sk kagawad sa ilang Barangay sa lungsod.

Dahil dito, umaasa si Tagauinod na isasama ng mga mambabatas ang SK Reform Act o ang pagkakaroon ng insentibo ng mga SK kagawad.

Aniya, lumalabas lamang na voluntarism ang panunungkulan ng mga SK kagawad kung kaya’t kakaunti ang bilang ng mga nagnanais punan ang nasabing posisyon.

Samantala, sinabi ni Taguinod na isang magandang hakbang ang pagsuspinde sa SK election sa susunod na taon para maisaayos ang problema sa kakulangan ng mga SK kagawad sa bawat Barangay.

-- ADVERTISEMENT --