Tugueagarao City- Malaking tulong umano ang pagiging “high value crops” ng Kawayan sa kabuhayan ng mga magasasaka sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Roberto Busania, Regional Technical Director for Operation and Extension, makatutulong ang kawayan upang gawing negosyo dahil sa dami ng pakinabang dito.

Aniya, maaaring gawing pagkakitaan ang labong ng kawayan habang ang ibang bahagi nito ay maaari namang gawing furniture products

Inihayag pa ni Busania na malaki ang nagagawa ng kawayan upang maiwasan ang pagguho ng lupa at malaki ang naitutulong nito sa water shed management upang hindi agad mawalan ng tubig ang mga ilog.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa naman ang Department of Agriculture na bibigyang pansin ito ng mga magsasaka upang makadagdag sa kanilang pagkakakitaan.

Matatandaan na idineklara ni Agriculture Secretary William Dar ang kawayan bilang high value crop .