Isinilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa artistang si Ken Steven Chan sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Quezon City pero wala sa kanyang bahay ang aktor.

Ayon kay Atty. Joseph Noel Estrada, ang abugado ng isa sa mga complainant, hindi nila naisilbi ang warrant mula sa korte dahil wala ring tatanggap ninuman sa family member nito.

Si Ken Chan, kasama ng anim na iba pang indibidwal ay inireklamo sa kasong syndicated estafa.

Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y pagkakasangkot ng bagitong aktor sa restaurant investment scam.

Sabi ni Atty. Estrada, sa hawak pa lamang niyang complainant, ay 14-million pesos na ang nai-invest pero bukod sa wala nang naibibigay na kita gaya ng mga pangako ay naglaho na rin ang inilagak na pera.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi pa malinaw kung gaano kalaki ang halagang natangay ng mga inirereklamo.

Batay sa report na natatanggap ng kampo ng mga complainant, nakalabas na raw ng Pilipinas ang aktor.