Binigyang-diin ng self-confessed drug lord na si Rolan “Kerwin” Espinosa na handa siyang tumestigo sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga pulis umanong sangkot sa war on drugs upang mabigyan daw ng hustisya ang kaniyang ama.
Sinabi ito ni Espinosa, matapos siyang makalabas ng ospital mula sa pagkakabaril habang nangangampanya.
Matatandaang noong Agosto 2016 nang i-raid ng mga pulis ang compound ng pamilya Espinosa sa Brgy. Binulho sa Tacloban, kung saan kalaunan ay inaresto ang noo’y alkaldeng si Rolando Espinosa Sr., ang ama ni Espinosa.
Nakulong si Espinosa Sr. sa kasong drugs sa subprovincial jail sa Baybay City, Leyte, at pinatay siya noong Nobyembre, 2016, sa gitna ng umano’y shootout sa mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group.