Naresolba na ng Philippine National Police (PNP) ang kidnapping at pagpatay sa Chinese-Filipino businessman Anson Tan at kanyang driver na si Armanie Pabillo.

Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil na ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong supek.

Ayon sa kanya, ihahayag nila ang mastermind sa nasabing krimen at isasampa na rin ang kaso laban sa mga ito ngayong linggo.

Tan ang legal name ni Tan, at kilala rin siya na si Anson Que.

Matatandaan na nakita ang mga labi ni Tan at ang kanyang driver na may mga sugat sa kanilang mga katawan at senyales na sila ay sinakal sa Rodriguez, Rizal noong April 9, dalawang linggo matapos silang mawala.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Sabado, inihayag ng PNP na nasa kustodiya nila ang mga suspek na sina David Tan Liao, Richardo Austria David na kilala na si Richard Tan Garcia, at Raymart Catequista.

Naaresto sina David at Catequista sa bayan ng Roxas sa Palawan noong Biyernes habang si Liao ay sumuko sa pulisya noong Sabado.