Pumanaw na si Roberta Flack, ang Grammy-winning soul singer na naging tanyag sa kanyang romantic ballads tulad ng “Killing Me Softly With His Song,” maging ang kanyang professional collaborations at social activism sa edad sa 88.
Namatay si Flack sa kanyang tahanan, matapos ang ilang taon na pakikipaglaban sa iba’t ibang sakit, kabilang ang amyotrophic lateral sclerosis, or ALS.
Ang nasabing sakit na tinatawag na Lou Gehrig’s disease ang naging hadlang sa muling pagkanta ni Flack.
Sa kanyang career, nakakuha siya ng 14 Grammy nominations at nanalo ng lima, kabilang ang lifetime achievement award noong 2020 at back-to-back Record of the Year wins.
Si Flack ay ipinanganak sa Black Mountain, North California, at lumaki siya sa Arlington, Virginia.
Inilabas ni Flack ang kanyang record na “Killing Me Softly,” na may titular track, “Killing Me Softly with His Song” noong 1971 – na naging hit at nanatili sa top sa Billboard chart sa loob ng limang linggo.
Dahil sa nasabing record, nakuha niya ang dalalawang grammy awards noong 1974, ang Record of the Year at Best Pop Vocal Performance by a female artist.
Bagamat ang mga sikat kanta ni Flack ay mga love song, hindi niya iniwasan ang mga complex issues, kung saan ay tinalakay niya sa kanyang ilang kanta ang racial injustice sa tracks tulad ng “Tryin’ Times,” social at economic inequality sa “Compared to What” at maging ang mga hamon na hinaharap ng LGBTQ community sa kanyang bersiyon ng “Ballad of the Sad Young Men.”