Pormal nang sinampahan ng kasong qualified theft ni Kim Chiu ang kanyang Ate Lakam.

Nitong December 2, nanumpa ang TV host-aktres sa piskalya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

May kinalaman ang demanda sa “substantial amounts of money,” na ‘di maipaliwanag ng kapatid.

Mabigat man sa kanyang loob ay kinailangan daw ni Kim na gawin ‘yon–hindi lang para protektahan ang kanyang negosyo kundi para sa mga tauhang umaasa dito.

Hindi malinaw kung aling negosyo ni Kim ang basehan ng kanyang reklamo.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang may mga pahiwatig si Kim sa problema nila ni Lakam sa kanyang social media posts, subalit mga cryptic ang mga ito.

Magkasama pang ipinagdiwang ng magkapatid ang Father’s Day noong June 16 kasama ang ama nilang si William, pero August nang i-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.

Si Lakambini Chiu ay ang pinagkatiwalaan ng nakababatang kapatid para mamahala ng financial side ng kanyang mga negosyo.

Aminado si Kim na hindi naging madali ang kanyang desisyon na dalhin ito sa korte.

Lumutang ang balitang nasaid umano ang capital investment na inilagak ni Kim dahil sa pagka-casino ni Lakam.