Hanggang ngayon, hindi pa matukoy ang kinaroroonan ng apat (4) na Pilipino sa Myanmar matapos ang malakas na lindol na may lakas na 7.7 magnitude noong Biyernes, Marso 28, ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang panayam, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na ang dalawang nawawalang Pilipino ay isang mag-asawa na naninirahan sa gusaling gumuho dahil sa lindol.
Kinumpirma rin ng ahensya na lahat ng mga nawawalang Pilipino ay mga propesyonal, kabilang ang mga guro at empleyado sa mga opisina.
Wala namang naiulat na Pilipinong nasaktan sa Thailand, kung saan naramdaman din ang matinding pagyanig ng lindol.