Gumawa ng kumikitang career ang isang lalaki sa Japan sa pamamagitan ng pagkain ng instant noodles ng isang beses sa isang araw sa loob ng tatlong dekada.
Siya si Sokusekisai Oyama, alyas Instant Ramen King ng Japan.
Tumigil si Oyama sa kanyang trabaho bilang isang illustrator na may degree sa engineering at ibinuhos ang kanyang panahon sa kanyang pinakamamahal, at ito ang pagkain ng noodles at naging professional cup noodle critic.
Ayon kay Oyama, 65 years old, nakakain na umano siya ng mahigit 10,000 cups ng noodles sa loob ng 30 taon.
Sinimulan din ni Oyama ang pagkolekta ng instant ramen packaging, kung saan umaabot na ngayon sa mahigit 6,000 na iba’t ibang cups at wrappers ang kanyang koleksiyon.
Dumating ang kanyang break noong 1995 nang manalo siya sa isang TV show sa Tokyo na Instant Noodle Championship, isang contest kung saan inaalam ang kaalaman ng mga contestants sa instant ramen.
Dito na sumikat si Oyama, kung saan lagi na siyang iniimbitihan sa TV shows at iba’t ibang events.