Inaresto ng agents ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang itinuturing na “kingpin” ng Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa Laguna.

Ayon sa PAOCC, si Lin Xunhan ay inaresto sa isang subdivision sa Biñan City kahapon.

Sa report ng PAOCC, gumamit si Lin ng identity at passport sa pangalang Lyu Dong at kumikilos gamit ang iba’t ibang alias na “Bogo,” “Boga,” “Xiao Long,” “Apao,” “Pahao,” at “Hao Hao.”

Ayon sa PAOCC, dumating si Lin sa bansa noong 2016 at nagtayo ng umano ay scam farms sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Cebu, at Metro Manila.

Sinabi ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, nabanggit ang pangalan ni Lin sa isang search warrant na inilabas laban sa Lucky South 99, isang Pogo hub na nakabase sa bayan ng Porac sa Pampanga.

-- ADVERTISEMENT --

Sinalakay ang Lucky South 99 noong June 4 dahil sa hinala na may nangyayari sa pasilidad na torture, human trafficking, at illegal scamming activities.

Ayon naman kay PAOCC spokesperson Winston Casio na hindi pa nila natutukoy ang “godfather” ng mga Pogos sa bansa at naniniwala sila na si Alice Guo o Guo Hua Ping ay prente lamang ng nasabing criminal organization.