TUGUEGARAO CITY-Tinanggap ng mga kabataan ang hamon ng Cagayan-PNP na pangunahan kontra illegal na droga at terorismo sa lalawigan.
Nagsimula ang hamon na ito dahil sa kinasasangkutan na krimen ng mga kabataan lalo na sa illegal na droga.
Ayon kay RV Lord Escobar, miembro ng Kabataan Kontra Droga at Teroristo (KKDAT), hindi madali ang tungkulin ng mga kabataan sa komunidad.
Ngunit dahil hindi lamang responsibilidad sa hanay ng kapulisan ang paglaban sa illegal na droga,tinanggap ni escobar ang hamon ni Pcol ariel quilang sa hanay ng mga kabataan.
Aniya magsisimula sa mga officers ng kkdat ang binuong kampanya para matulungan ang mga otoridad sa mga illegal na gawain sa lalawigan .
Kaugnay nito,hinikayat rin ni Escobar ang kanyang kapwa kabataan na tutukan ang pag-aaral dahil ito ang kanilang magiging sandata kontra terorismo.