Walang klase sa sa elemetarya at sekondarya sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod ng Tuguegarao sa August 13, 2019.
Ito ay dahil sa pinaka-aabangang kumpetisyon na Tug-sayaw na lalahukan ng mga taga ibang bayan sa Norte may kaugnayan sa ika 295 kapistahan ng lungsod o Afi Festival 2019.
Ang suspensyon ng klase ay nakapaloob sa Executive Order No. 22 na nilagdaan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.
Layon ng suspensyon sa klase na mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral at upang maibsan ang bigat ng trapiko na idudulot ng okasyon lalo at gagamitin sa pagsasayaw ang mga pangunahing lansangan mula sa St. Peter Metropolitan Cathedral hanggang Cagayan.