TUGUEGARAO CITY-Mananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, November 20, 2019 dahil sa binabantayang bagyong “Ramon” na ngayon ay nasa typhoon category na.

Ayon kay Rogie Sending ng Cagayan Provincial Information Office, ang pagsuspinde ay batay na rin sa rekomendasyon ng  Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction and Management Office (PCCDRRMO) kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Layon nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa posibleng pananalasa ng nasabing bagyo.

Samantala, mananatili rin ang “liquor ban” hanggat hindi binabawi ng pamahalaang panlalawigan.