TUGUEGARAO CITY- Sinuspindi na ang lahat ng klase sa lahat ng antas hanggang graduate school sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng Tuguegarao bukas, August 13.

Ang suspensyon ng klase ay nakapaloob sa Executive Order No. 24 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano na nagdedeklara ng walang pasok mula pre-sschool hanggang graduate school.

Layon ng suspensyon sa klase na mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makiisa sa “TUGSAYAW” na isa sa highlights sa selebrasyon ng “AFI Festival” at upang maibsan ang bigat ng trapiko na idudulot ng aktibidad.

Inaasahang makikiisa at dadaluhan ng ibang mga paaralan sa lalawigan ang naturang kumpetisyon.

-- ADVERTISEMENT --