A man checks rice at a store in Quezon city, Philippines, on Monday, Aug. 14, 2023. Countries worldwide are scrambling to secure rice after a partial ban on exports by India cut supplies by roughly a fifth. (AP Photo/Aaron Favila)

Aabot sa P71 bilyon ang mawawala umano sa koleksyon ng pamahalaan kasunod ng desisyong ibaba ang taripa ng imported rice at iba pang produkto ng 15% mula sa 35%.

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairperson Danilo Ramos, bukod sa pagkalugi sa buwis na siyang pangsuporta sa lokal na mga magsasaka sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ay posible rin makaapekto ang naturang hakbang sa presyo ng ani ng mga magsasaka.

Posible kasing baratin ang palay ng mga magsasaka ng hanggang P17/kilo simula ngayong anihan kasabay ng pagbuhos ng mga imported rice sa pamilihan dahil sa mas mababang rice import tariff.

Iginiit ni Ramos na kailangang pahalagahan ng pamahalaan ang local production kaysa sa importation at ang pagbasura sa Rice Liberalization Law o RA 11203 na nagtatanggal sa limitasyon ng imported rice na maaaring ipasok sa bansa kapalit ng pagbabayad ng taripa.

Dismayado rin si Ramos sa hindi pa naipapamahaging mahigit kalahati ng P30B na kita mula sa mga taripa sa pag-import ng bigas noong 2023 na nabunyag sa isinagawang pagdinig ng Senado sa panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law.

-- ADVERTISEMENT --