Kilusang Mayo Uno (KMU)

TUGUEGARAO CITY-Hindi kumbinsido ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa inilabas na resulta ng social weather Station (SWS)na bumaba ang bilang ng mga naghihirap sa bansa.

Ayon kay Bong Labog , chairman ng KMU na wala sa realidad ang nasabing resulta at pinaratangan din nito ang gobyerno na minamaobra ang resulta para palabasin na may ginagawang hakbang para maresolba ang kagutuman sa bansa.

Aniya, kung titignan umano ang sitwasyon ng ibang pilipino lalo na ang mga nasa lungsod ng Maynila at mga magsasaka ay madami parin ang nagugutom sa bansa.

Dagdag pa ni Labog, maaaring bumaba ang lumabas sa survey dahil ginawa ito sa panahon ng kampanya kung saan umuulan ng pera na dahilan nang pagtaas ng bilang ng pera na bumabagsak sa kamay ng masa.

Matatandaan, lumabas sa survey ng SWS na 9.5 porsiyento o tinatayang nasa 2.3 milyong kabahayan sa Pilipinas ang nakakaranas ng gutom, mas mababa sa 10.5 porsiyento o 2.4 milyong kabahayan noong huling quarter ng 2018.

-- ADVERTISEMENT --