Hinamon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pag-aalok ng P20 million na reward money para sa impormasyon tungkol sa sinoman na gustong arestuhin o patayin si Pastor Apollo Quiboloy.

Wanted si Quiboloy dahilsa human trafficking sa bansa at sa Estados Unidos.

Ang alok na pabuya ng KOJC ay dobe sa alok na P10 million ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at PNP chief Gen. Rommel Marbil na kanilang inihayag noong July 8, 2024.

Sinabi ni KOJC Minister Carlo Catiil, magbibigay sila ng P20 million sa sinuman na makakahuli at ipiprisinta ang mga taong nagnanais na saktan si Quiboloy at kanyang associates.

Ang initial P10 million ay alok umano ng mga pinangalanang mga indibidual na dismayado sa hindi pa rin pagkakaaresto kay Quiboloy.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Abalos kay Quiboloy na sumuko na at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya sa korte.

Nagbabala naman si Marbil sa sinomang tumutulong kay Quiboloy na mahaharap sa kasong obstruction of justice.