Inihayag ng Department of Education (DepEd) na maaaring mapapaikli ng isang semestre ang kolehiyo sa ilalim ng mga panukalang pagbabago sa bagong kurikulum ng senior high school.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Janir Datukan, 24 units ng general education subjects ang maaaring alisin sa kolehiyo sa pamamagitan ng pag-align ng mga ito sa limang umiiral na core subjects sa senior high school, habang tatlong asignatura naman ang tuluyang aalisin.

Ito ay resulta ng konsultasyon ng DepEd kasama ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa imbestigasyon ng House panel ukol sa revised curriculum.

Matagal nang kinikilala ng mga guro at estudyante ang disconnect sa pagitan ng senior high school at kolehiyo, lalo na’t may mga unibersidad pa ring may bridging programs.

Layunin ng Kamara na bawasan ang bilang ng taon sa kolehiyo at alisin ang dagdag na coursework para sa mga senior high school graduates.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi pa tiyak kung kailan ipatutupad ang mga pagbabagong ito, ngunit may ilang piling paaralan na magpapatupad ng revised curriculum sa Hunyo.