
Pumanaw na ang komedyanteng si Doughlas Arthur Supnet, mas kilala bilang “Kuhol,” sa edad na 66.
Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Carol Supnet ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang Facebook post kung saan ibinahagi rin ang detalye ng burol.
Nakilala si Kuhol sa kanyang mga sidekick roles sa pelikula at telebisyon noong dekada 1990 at 2000.
Ilan sa kanyang mga pelikula ang “Juan Tamad at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue,” “Juan & Ted: Wanted,” at “Walang Iwanan… Peksman!”
Gaganapin ang burol ng komedyante sa Ascension of Our Lord Parish sa Quezon City mula Disyembre 23 hanggang 26.
-- ADVERTISEMENT --




