Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na may inihain na dalawang criminal complaint-affidavits sa National Prosecution Service (NPS) laban kay Marikina 1st District Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro.

Ang reklamo ay acts of lasciviousness and rape by sexual assault.

Kasunod ng pahayag ng DOJ, kinumpirma rin ng Marikina police na dalawang babaeng pulis ang naghain ng criminal complaints laban kay Teodoro.

Ayon sa Marikina police, inilipat na ang dalawang babaeng pulis sa national headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City para sa kanilang kaligtasan.

Ang dalawang pulis na babae ay naitalaga bilang close-in security ni Teodoro sa magkakaibang panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano, isasailalim ang mga reklamo sa case build-up at legal evaluation para matukoy ang kasapatan ng mga ebidensiya bago ang pagsasagawa ng preliminary investigation.

Tiniyak niya na mabibigyan ng due process si Teodoro, habang hindi ilalabas ang pangalan ng mga nagreklamo para protektahan ang kanilang privacy at seguridad.