Hindi lamang magdurugtong sa mga Barangay sa Eastern at Western part ng Amulung ang ipapatatayong tulay kundi magbibigay din ito ng oportunidad sa pag-unlad.

Sa kanyang talumpati sa ground breaking ceremony, sinabi ni 3rd district Congressman Jojo Lara na ang pagsisimula ng konstruksyon sa P1.2B Amulung bridge ay hudyat sa paglago ng ekonomiya at peace and order lalo na sa usapin kontra isurhensiya.

Umpisa pa lamang umano ito sa mga ninanais na progreso na pakikinabangan ng lahat upang mapag-isa ang mga barangay sa bayan ng Amulung.

Samantala, sinabi ni Lara na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa konstruksyon ng Solana Bridge.