Tuguegarao City- Bahagyang tumaas at apektado umano ang konsumo ng kuryente matapos pairalin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod sa banta ng COVID-19 ayon sa Cagayan Electrict Cooperative 1 (CAGELCO).
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Frances Obispo ng CAGELCO 1, isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng konsumo ay ang pagdami ng mga taong gumagamit ng kuryente sa bahay ng ipatupad ang ECQ.
Aniya, kung ikukumpara sa mga normal na araw ng wala pang ECQ ay malayo ang kaibahan dahil kadalasan aniya sa mga tao nasa kanikanilang mga trabaho at hindi gaanong naglalagi sa loob ng bagay.
Paliwanag niya, maaaring marami sa mga appliances at mga gadget sa loob ng bahay ang nagagamit sa loob ng 24 oras kaya’t tumataas ang konsumo sa paggamit ng kuryente.
Kung maalala ay nagpatupad din ng suspensyon sa pagtanggap ng bayad sa kuryente ang Department of Energy alinsunod sa kautusan ng national government dahil sa banta ng lumalaganap na virus na dala ng COVID-19.
Sa ngayon bagamat, ilan sa mga indentified sub-offices ng CAGELCO ang nagbukas na para sa pagtanngap ng bayad ay hindi aniya nila mamadaliin ang mga consumers na magbayad.
Paglilinaw ng opisyal ay kung sino lamang ang gustong mag-bayad upang hindi matambakan ng electric bills ay bukas ang ilan sa kanilang mga tanggapan.
Sa ngayon ay naka alerto din aniya ang kanilang mga line man para sa maintenance ng kuryente at upang may mag—aayos sakali mang magkaaberya sa supply nito.
Bilang pagtalima sa ipinatutupad na social distancing ay pansamantalang sinuspindi muna ng CAGELCO ang pagtanggap bagong aplikante para sa bagong koneksyon ng kuryente at iba pang aktibidad na maaaring magdulot ng pagkukumpulan ng publiko.