Kinumpirma ni Ombudsman Boying Remulla na nakatanggap siya ng kopya ng unofficial na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Remulla, ibinunyag niya ang impormasyon sa kanyang radio program nitong weekend bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang mamamahayag.

Matatandaan noong linggo nang isiwalat ni Remulla na nakatanggap umano siya ng dokumento mula sa ICC kaugnay sa arrest warrant laban kay Sen. Bato dela Rosa.

Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na pinag-aaralan ng gobyerno ang extradition o pag-surrender kay Senador Bato dela Rosa kung may arrest warrant na mula ICC ngunit wala pa umano silang natatanggap na kahit anong dokumento kaugnay ng arrest warrant.