Ipinag-utos ng Regional Trial Court Branch 112 sa Pasay City ang agad na pagpapalaya sa aktres na si Nari Naig.

Sinabi ni Insp. Jayrex Joseph Bustinera, spokesperson ng Bureauf Jail Management na natanggap nila ang kautusan mula sa korte kaninang umaga.

Ayon kay Bustinera, nagsasagawa ang BJMP ng beripikasyon kung may pending cases o arrest warrants si Naig mula sa mga korte bago siya palalayain.

Sinabi niya na agad nilang palalayain si Naig kung makita nila na wala siyang mga nakabinbin na mga kaso o arrest warrants mula sa iba pang korte.

Idinagdag pa ni Bustinera na hindi naglagak ng piyansa si Naig sa kabila na inakusahan siya ng syndicated estafa, isang non-bailable offense, at nilinaw na ang provisional na kalayaan ng aktres ay bilang tugon sa kautusan ng korte.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ni Bustinera na wala sa kanyang kapangyarihan na idetalye ang laman ng kautusan ng korte.

Matatandaan na inaresto si Naig noong November 23 at ikinulong sa Pasay City Jail female dormitory.