Ipinag-utos na ng Pasig RTC na ibalik na sa kulungan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay Atty. Joeie Domingo, iniutos ng Pasig City Regional Trial Court-Branch 159 na ibalik si Quiboloy sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City maliban na lamang kung talagang dumaranas si Quiboloy ng medical condition na nangangailangan ng agarang atensyon.

Sinabi ng korte na may kakayanan naman ang medical facilities ng BJMP para tumugon sakaling mangangailan ng medical attention si Quiboloy.

Magugunita na nitong Enero ay pinayagan ng korte si Quiboloy na manatili sa government hospital dahil umano sa sakit na pneumonia.

Sinabi ni Domingo na hiniling ng kampo ni Quiboloy na payagan ang kanilang kliyente na manatili pa sa ospital at makapag-record ng mga videos para sa kanyang kandidatura sa pagkasenador.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, duda ang prosekusyon na may sakit talaga si Quiboloy.

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong human trafficking bukod pa sa kasong Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.