Inaprubahan ng korte sa South Korea ang arrest warrant para kay President Yoon Suk Yeol, na na-impeach at nasuspindi kaugnay sa kanyang desisyon na magpatupad ng martial law noong December 3, at binawi matapos ang ilang oras.
Kinumpirma ng Corruption Investigation Office for High-ranking Officials (CIO), na inaprubahan ng Seoul Western District Court ang hiniling ng mga imbestigador sa ilang oras lang na martial law ni Yoon na arrest warrant.
Ito ang unang arrest warrant na inilabas laban sa incumbent president sa South Korea.
Hindi na nagbigay ng detalye ang CIO sa rason ng korte sa pag-apruba sa arrest warrant laban kay Yoon.
Hindi rin malinaw kung paano isisilbi ang arrest warrant.
Sinabi naman ng presidential security service ng South Korea na tatraruhin nila ang arrest warrant na naaayon sa due process.
Inaprubahan din ng korte ang search warrant sa residensiya ni Yoon.
Kamakailan ay nabigo ang pulisya na salakayin ang presidential offrice bilang bahagi ng imbestigasyon, dahil sa hinarang sila ng presidential security group.
Nahaharap si Yoon sa criminal investigation dahil sa posibleng kasong insurrection.
Isa ang kasong insurrection na walang immunity ang pangulo ng South Korea.