
Bukas ang Supreme Court o SC sa patas na kritisismo mula sa publiko, kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na wala siyang tiwala sa justice system ng bansa.
Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, hindi dapat maging sensitibo ang korte sa mga puna ng publiko, ngunit kailangang may sapat na ebidensya bago ito makapagsagawa ng anumang aksyon.
Nauna rito, nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte sa sistema ng hustisya matapos siyang magpiyansa sa Quezon City Hall of Justice kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Nagpiyansa si Duterte ng ₱360,000 at nakalaya matapos ang proceedings.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng bise presidente na hindi siya nakararamdam ng seguridad at wala siyang tiwala sa korte at pulisya.










