Ibinasura ng Supreme Court of the Philippines ang hiling ni Sen. Ronald Bato dela Rosa na temporary restraining order o TRO at status quo ante order kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kaniya batay sa warrant na inilabas ng International Criminal Court o ICC.

Sa inilabas na pahayag ng Korte Suprema, sinabi nitong bumoto ang En Banc ng 9-5-1 sa isang special session upang tanggihan ang hinihinging interim relief ng senador.

Nilinaw din ng Korte Suprema na ang desisyon ay nakatuon lamang sa hiling na TRO at SQAO at hindi pa sa pangunahing legal na isyu ng kaso.

Nauna nang iginiit ng kampo ni dela Rosa na kinikilala nila ang pag-iral ng ICC arrest warrant ngunit hindi umano ito maipatutupad sa Pilipinas.