Hiningi ng Korte Suprema sa Senado na magbigay ng komento hinggil sa petisyon na humihiling sa Mataas na Hukuman na pilitin ang lehislatura na kumilos ukol sa kasong impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Catalino Generillo Jr., former special counsel of the Presidential Commission on Good Government (PCGG)na hindi pinapayagan ng Konstitusyon ang Senado na mag-antala ng aksyon sa panahon ng recess upang matukoy kung itatatag nito ang sarili bilang impeachment court.
Ang mga artikulo ng impeachment ay ipinasa sa Senado noong Pebrero 5, habang nag-adjourn naman ang Kongreso tatlong araw pagkatapos.
Magbabalik sesyon ang Kongreso mula Hunyo 2 hanggang 13 at mag-aadjourn muli ng sine die sa Hunyo 14 hanggang Hulyo 27.
Binigyan ng Korte Suprema ang Senado ng 10 araw na hindi maaaring palawigin mula sa pagtanggap ng abiso upang magsumite ng kanilang komento.
Kamakailan lang, iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang tungkulin ng Senado na kumilos nang walang delay hinggil sa reklamo ng impeachment.
Ayon kay Pimentel, ang Senado ay may konstitusyonal na obligasyon na kumilos “agaran” ukol sa mga kasong impeachment.