Pinagtibay ng Korte Suprema ang unang ruling nito na nagdeklara sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na unconstitutional, ayon kay spokesperson Atty. Camille Ting.

Sa press briefing, inihayag ni Ting na sa pamamagitan ng unanimous vote ng lahat ng dumalo, ibinasura ng SC En Banc ang motion for reconsideration na inihain ng Kamara na humihiling ba naliktarin ang desisyon.

Kung matatandaan, tatlong impeachment complaints ang inihain laban kay Duterte noong 2024, lahat ng ito ay may kaugnayan sa umano’y maling paggamit sa confidential funds.

Ang pang-apat na impeachment complaint ang inindorso ng mahigit one-third ng mga kongresista at kalaunan ay ipinasakamay sa Senado bilang Articles of Impeachment.

Naghain ang Kamara ng motion for reconsideration, kung saan iginiit na ang pag-arcive sa tatlong impeachment complaints ay matapos na mai-transmit ang pang-apat na reklamo, na hindi umano sakop ng one-year ban.

-- ADVERTISEMENT --