Natanggal na ang isang kotse na nahulog sa isang bubong ng bahay sa Camp 7, Baguio City.
Sinabi ni Police Major Marcy Marron, information officer ti Baguio City Police Office, minaneho ng isang 22 anyos na lalaking estudyante na si Edrian Vergara De Guzman ang sasakyan.
Pinagtulungan ng Bureau of Fire Protection-Baguio, 911 personnel, at mga pulis na iahon ang nasabing sasakyan at iniligtas ang driver.
Sinabi ni Marron, lumalabas sa imbestigasyon, galing ang sasakyan sa poblacion ng lungsod at papunta sa Camp 7 nang madulas ang likurang gulong nito dahil sa basang kalsada bunsod ng pag-ulan, at posibleng dahil sa mabilis na patakbo ng driver.
Nawalan ng kontrol sa manebela ang driver hanggang sa mahulog ito sa bubong ng isang bahay.
Hindi naman nagtamo ng injuries ang driver, subalit nagkaroon ng pinsala ang kotse, ang bubong ng bahay at ang barikada na nabangga nito bago bumagsak sa bubong ng bahay kung saan ito nahulog.