TUGUEGARAO CITY- Nakatulong umano ng malaki sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Kalinga ang kanilang kultura at ang topographical feature nito kaya nananatili itong covid-19 free.

Sinabi ni Donica Alyssa Mercado, information officer ng Provincial Government ng Kalinga na may kaugalian ang mga taga-Kalinga at Cordillerans na hindi sila maaaring magpapasok at magpapalabas ng mga tao sa kanilang komunidad sa panahon ng anihan.

Bukod dito, hindi rin maaaring magpapasok sa bakuran ng isang residente kapag mayroong may sakit sa loob ng bahay.

Tinig ni Donica Alyssa Mercado

Sinabi pa ni Mercado nakatulong din ang topographical feature ng Kalinga na pinapalibutan ng Sierra Madre mountains.

Idinagdag pa niya na hindi rin gaanong populated ang Kalinga na nakatulong din sa paglaban sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Donica Alyssa Mercado

Nabatid na 77 ang suspected covid-19 case sa Kalinga mula February hanggang April 20, 35 ang nagnegatibo sa kanilang swab test habang ang iba pa ay natapos na ang kanilang 14 day quarantine.