Gigibain na ang Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, kung saan ikinukulong ang mga high-profile detainees para sa pagpapatayo ng bagong headquarters para sa national police.

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla, hinihintay na lamang nila ang certification mula sa Department of Public Works and Highways na hindi na ginagamit ang nasabing gusali.

Ayon pa kay Remulla, lumang-luma na ang gusali at may budget umano ang PNP para sa pagpapatayo ng bagong headquarters.

Nagsilbi ang PNP Custodial Center na kulungan ng mga high-profile individuals, kabilang sina dating Senator at ngayon at Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima.

Nanatili siya sa custodial facility mula 217 hanggang 2023 sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

-- ADVERTISEMENT --

Ang ibang nakulong sa nasabing pasilidad si dating Bamban Mayor Alice Guo at Apollo Quiboloy, na kalaunan ay inilipat sila sa Pasig City Jail.

Nakulong din si dating Sen. Ramon Bong Revilla noong 2014 kaugnay sa pork barrel scam, at lumaya noong 2018 matapos ipawalang-sala ng korte.

Muling nakulong ngayon si Revilla sa Payatas sa Quezon City sa kasong may kaugnayan sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Nanatili din si pasilidad si Sen. Jinggoy estrada na idinawit sa sa eskandalo ng pork barrel subalit pinalaya noong 2017 matapos na maglagak ng piyansa.