
Mariing itinanggi ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang isang kumakalat na quote card na naglalaman ng umano’y pahayag niya tungkol sa pork importation.
Sa kanyang social media account, agad niyang pinabulaanan ang naturang pahayag at iginiit na fake news ang nakasaad dito.
Ayon sa kalihim, naglalaman ang quote card ng mga linyang nagsasabing hindi umano maaaring itigil ang pag-import ng baboy dahil malulugi ang gobyerno, at dito raw nanggagaling ang pondo para sa ayuda ng mga magsasaka.
Sa kabila nito, nilinaw ng kalihim na hindi siya kailanman nagbigay ng ganitong pahayag.







